Mga Batang Saytek, patuloy ang pag arangkada

Mikhaella Q. Layos, Maja Marem Jillzam Pagadora at Kyle Julebert Taguilaso, Santa Rosa Science and Technology High School

 

Mula buwan ng Mayo ibat- ibang internasyonal na kompetisyon sa Matematika ang sinalihan at napagtagumpayan ng mga batang saytek, mula kina Rainier Matthew L. Rodenas, Aeron Vincent Austria at Hazel Mae Gadiaza na nagwagi ng Silver at Bronze medals na nagwagi sa International Mathematics Wizards Challenge sa Xiamen, China noong Mayo 19-23, na sinundan ng pagkapanalo ni Vince Jan F. Torres ng Gold Medal sa China Northern Star Mathematics Olympiad sa Shijiazhuang, China noong Hulyo 21 -27 at nasundan pa uli nang sumali sina Kody Briones (ECS), Ron Michael V. Acda, Juan Carlos De Leon , at Elijah Emmar John Pagadora, na nag uwi ng Bronze medals at merit awards sa 2017 International Mathematics Competition –Singapore noong Agosto 4-7, 2017.

At patuloy na namamayagpag ang mga batang saytek sa mga pang internasyonal na mga kompetisyon sa Matematika, kagaya ng laging sinasabi ng Mayor ng Siyudad ng Santa Rosa na Kgg. Dan S. Fernandez na Arangkada, Dangal ng Santa Rosa, pinatutunayan ng mga batang ito na sila ay toong Dangal ng Santa Rosa at patuloy sap ag arangkada.

At ngayon nga ay patuloy ang pag rangkada ng mga batang saytek na sina Mikhaella Q. Layos, Kyle Julebert Taguilaso parehong nagkamit ng Bronze Medal at Maja Marem Jillzam Pagadora na nagkamit ng parehong Bronze medals sa individual at group category sa ginanap na International Math Open for Young Achievers sa Singapore noong Setyembre 1-4, 2017.

Pagbutihin pa ninyo at patuloy na hasain ang inyong mga talento at talino. Proud kami sa inyo.

 

SEVERA C. SALAMAT

EPS- MATHEMATICS

SDO- SANTA ROSA CITY