SDO Santa Rosa City wagi sa 2017 International Mathematics Competition

Patuloy sa pag-arangkada ang Santa Rosa at ito ay muling napatunayan sa katatapos na 2017 International Mathematics Competition – Singapore noong Agosto 4-7.

Muling nag-uwi ng karangalan para sa SDO Santa Rosa City  at sa buong DepEd ang mga batang sina Kody Briones (Grade 3)  at Ron Michael V. Acda (Grade 10) ng  Bronze Medal. Habang sina Juan Carlos De Leon (Grade 10) at Elijah Emmar John Pagadora (Grade 8) ay parehong nagkamit ng Merit Award sa nasabing kompetisyon.

Isang malaking karangalan na nakapagbahagi ang mga bata mula DepEd Santa Rosa City sa Philippine Team upang muling hirangin ang Pilipinas bilang bansa na nakapag-uwi  ng pinakamaraming medalyang sa nasabing kompetisyon.

Buong puso ang pasasalamat ng mga mag-aaral, mga magulang at mga taga SDO Santa Rosa City sa pagtulong at pagsuporta ng  City Government sa pangunguna ni Mayor Dan S. Fernandez  upang matustusan ang gastusin sa nasabing kompetisyon. (Severa C. Salamat, Ph.D. EPS-MathematicS – DepEd Santa Rosa City)